32956646_1038176466329796_8084372222061314048_n
Magandang umaga, tanghali o gabi! Magkwekwento ako tungkol sa sarili ko kaya kung chismosa ka, matutuwa ka sa mababasa mo. Ako sa Shaira Mae Mantilla, pero ayokong tinatawag nun, kaya Shan na lang. Pinanganak ako nung ika 28 ng Enero, pero sigurado ako na di mo naman matatandaan yun. Nabuo ako sa tulong ng isang Briton na iiwan din  naman pala kami at syempre kasama ang nanay ko na Pinay. Di ko alam ang detalye paano nila ako ginawa kasi itlog pa lang ako nun.   Anyways! May stepfather na ako ngayon, kasi nga iniwan kami nung tatay kong kano. Mantilla ang apelyido ko kasi inampon ako nung stepfather ko legally. Kasi nagkagulo gulo birth cerficate ko kaya inampon niya ako haha

Dalawampung taong gulang na ako, at huling semestre ko na ito sa Unibersidad(hopefully). Masasabi ko na isa sa pinakamahirap na panahon ng buhay ko ang semestre na ito. Unang una, ilang beses akong nagkasakit. Pangalawa, pumanaw ang pinsan ko. At pangatlo, mahirap lang talaga yung mga subjects. Kaya masaya ako na naging GE ko ang HUM 1. Parang naging getaway ko yung klase sa realidad ng buhay ko. Totoo yun kahit marami ako absent. Anyways, share lang.

xoxo,

shanthegoddess

Advertisements

Middle of the night,
She is looking at the streetlights-
The sun is shining!

-shanthegoddess

Paglimot

Sa kahon kong bahay, di ka maiinip
Pisngi ko’y kulay-lila, kulay berde kay ina
Sapagkat nayaya ng barkada si ama
Nung ako’y di naglinis ng pinggan sa mesa

Sa kahon kong bahay, puno ng musika
Pagkatapos ni Ina, si Nene naman magsisimula
Di natatapos ang kanilang melodiya
Sa mga kantang sa akin ang patama

Sa kahon kong bahay, di ka maiinip
Puno ng kaguluhan, kasinungalingan at pait
Kaya’t ng si ina at ama ay nawaglit, katahimikan aking nakamit
Pangluksong lubid ni nene, sa akin ko sinabit

–shanthegoddess

Untitled

Hindi totoo, ngunit hindi kasinungalingan
Isang panaginip na hindi malilimutan
Tumutulong mga luha sa hindi mapaniwalaan
An aming totoy nga ba ay lumisan?
Batang bata ka pa, musmos sa paningin
Di mawari bakit buhay mo’y binitin
Aming puso iyo ring kinitil
Dahil iyong paglaki, di na mamasid

–shanthegoddess